Hindi Lang Sana Sa Pangarap

Rachel Alejandro

Compositor: Rachel Alejandro

Minsan, sa pangarap ko ay namasdan
Ang buhay na walang kasing ligaya
Dito natagpuan ikaw, mahal
Sa pangarap ko, ni isa, walang hadlang sa pag-ibig

Sa paggising, sa pagmulat ng aking mata
Bakas pa rin sa 'king labi ang nadama
'Di malimot, umaasang makamtan sa iyo
Hindi lang sana sa pangarap, makakapiling ka

'Di lang sana sa pangarap, naroon ka
Magiging akin, 'di lang tinatanaw sa kalayuan
'Di lang dito, nais kang tingnan, mayakap ka at mahagkan
Hindi lang sana sa pangarap, matutupad ang hinahanap
Hindi lang sana sa pangarap ang lahat

Magiging akin, 'di lang tinatanaw sa kalayuan
'Di lang dito, nais kang tingnan, mayakap ka at mahagkan
Hindi lang sana sa pangarap, matutupad ang hinahanap
Hindi lang sana sa pangarap ang lahat

©2003- 2026 lyrics.com.br · Aviso Legal · Política de Privacidade · Fale Conosco desenvolvido por Studio Sol Comunicação Digital